buoyancy control device sasali ako sa pimplesupot dive club. pag sinuswerte ka nga naman kasi. kakapost ko lang ng beach ad ko nung isang linggo pagbalik ko sa trabaho meron na kagad invite na nakapost! akalain mo?! psychic! doug, winner! buti ng lang $50 dollars lang ang replacement fee para sa mga dakilang tangang nawalan ng license ID. in 7 years meron na akong ganung pera. so bale in 7 years mapapalitan ko na ng bago lisensya ko, tas, ano, bale, e di pwede na ako sumali sa pimplesupot dive club! ayyyos! 7 years na lang. di na ako makakatulog! sobrang excited na 'ko!November 14, 2005 in jerkHerc