whutseatingdiego
sa kalsada sa jeep sa stasyon ng tren sa sidewalk sa fasfud kanto sa labas madalas. bakit ganun. taena nakakapanikip ng dibdib. nakaporamang relief goods bakit pag nagpangabot an tinging mahihiya sabay yuko miiwas ng tingin nanliliit. walang sinumang nagmemey-ari ng lungsod na dapat katakutan lahat malaya pantay-pantay me lugar. tong long leaves ko 'tang 'nang kupas inabot lang sakin ng kuya, kurbata ko pinahiram lang sakin, pantalong ko dalawang pares pinapagpag ko lang 'to, iisa sapatos bukas sasabog na 'to, 'tong gadget nakasabit sa tenga hinuhulugan ko pa makaiwas gubat lang. miikot ang mundo bukas makalawa matatanggal ako sa trabaho magbibilang hanggang sa kahuli-huliham barya sa kamay ko mangangamoy pawis na naman paikot-ikot ayoko kasuklaman nyo'ko. hindi ako nakalimot 'tang 'nang. walang mas nakakaangat. sa huli inuuod lahat.