sumalangit nawa
di ko alam kung ano gagawin ko kung ala mga kaibigan kong ganun na lang ang malasakit sakin. ngayong panahon ng tagtuyot, ngayong panahon ng crisis sobrang mahal ng gerber at tanggal na muna ang supply ng cherrifer, ngayon dumating na naman ang semana santa sa buhay ko at panay na naman ang playback ko ng seasons of fireworks at meteor rain, kahit alam nilang hindi na naman ako mahagilap, andun pa rin sila nakaabang, nakaantabay, naghihintay sa maaring mas malakas pang pagputok ng mt. vesuvius. mga kaibigang walang sawang sumosuporta tinuturuan ka ano dapat gawin step by step every step of the way kulang na lang padalhan kang instructional video. nakakatouch. kaya sa puntong ito gusto kong taos pusong magpasalamat sa inyo mga kaibigan kong round the clock very supportive sa mga plano kong magpatiwakal. dapat sana kasi pinipigilan di ba? baka nga naman kasi isipin ko hindi kayo supportive kaya tama lang din. ang gaganda ng mga suggestions nyo leche kayo! ang huhusay! pare-pareho kayo lahat mga ungas! nakakawalang gana! salamat.