the geek squash epidemic
eto yung mga panahong me nagreregret kung bakit ang kursong natapos ay ang kursong kinuha nung college. pero okay lang kasi parang me mga subterranian undermock na bakit hindi ka naging geek nung college e di sana pinirate ka na sa FBI kasama mo sa geek squad yung mga dakilang nagpauso ng i love you virus. so ayoko pa rin kasi ang operative word ay? geek. namention ko na rin ke michael ang laki ng problema ko kala ko kasi mainstallan lang photoshop na me smudge at blur tool okay na. pero ngayon lumala. lalo. sabi ko lately napapansin ko taken for granted na ang citruscable, sabi halaaa baka mamya nyan magtampo ayaw ka na pagdownloadin! tas yung gargle earth sandali pa lang taken for granted na rin, baka mamya iligaw na akong tuluyan. ang moobeemaker baka magwala di na pinapansin burahin bigla yung mga jpeg saka yung audio splice baka nagtampo na rin maging sintunado ayaw na tanggapin ng yoututubi. higit sa lahat pati ang blogadeerduke naaapektohan na rin. kaya ngayon pa lang humihingi na ako ng paumanhin sa expectant crowd of audience ko na sina me,myself, ako, and i at sa mga beneficiaries na partially covered ng blogging terms and conditions and privacy policy college insurance grant gawa ng kung wala masyadong deposit and september 2006 archive, kasi ano, ang kimchiweed project ay critical at nasa ICU. saya nga e.