vice chancellor of treasury
alang kwentang libro na naman yan! o tas ano?! bibili ka na lang mumurahing sapatos ilang gamitan lang warak na tas magrereklamo ka parating basa medyas mo?! ano naman sa yo kung me giyera sa iraq o kung kaaway ng mga saddam mga bin laden o kung sino mang mga anak ni pontio pilato yang mga amerikano que se jodang binomba ng mga israel ang palestine magsama kayo ng tatay mo ewan ko sayo! ganyan. gusto ko isipin practical lang talaga kasi nanay ko kasi kahit nasa davao sila ng tatay, naririnig ko sya sa mga sandaling ito pumuputak parang inahing hindi maitlog-itlog kasi ano me almoranas. ano naman kasi ang masama sa 350 pesos na leather shoes kung leather man, sapatos pa rin naman yun. saka bumili din naman akong toothbrush na 110 pesos na oral-b, saka yung lacalut na german medical toothpaste na 159 pesos importante rin namna ang oral hygiene di ba nga? kasalanan ko ba kung napadaan ako sa tindahan syempre nakita ko maganda yung cover winner ob the 2005 los angeles times book prize tas winner ob the pulitzer prize for international reporting yung me gawa buti nga di ako naghanap ng hardbound e di ba. alangan naman pumikit ako para wag ko makita e di nadapa naman ako nabagok yung ulo ko sabay sinugod sa ospital o so alin ngayon ang mas mahal yung 810 pesos na liblo o yung bill sa ospital? oo. tas naalala ko dati me theory ako na ang talagang motto ng nanay ko ay some things money can't buy for everything else close your eyes.