flight jacked PR816
sabi nung guard kasi mahigpit daw talaga sa davao airport. sabi ko,'okay yan kuya, strikto kung strikto.' hindi ako sincere sa sinabi kong yun. yun ay pagkatpos kung ibuhos sa sink sa restroom and kahulihulihang pint ng jack dannyduke ko kasi bawal. pero di naman sila malupit. sobrang polite naman sila nagsuggest na inumin ko na lang yung laman. i think three-fourths pa yung laman ng flask, e di nalasing naman ako sa flight, pero parang okay lang kasi parang me rule na bawal magbaon ng alak sa flight pero pwedeng mag board ng lasing kasi me overproduction nung bag na pang vomit at kelangan idispose kaya okay lang ang sumuka ng sumuka.kasalanan ko toeh. so eto pa yung mg ibang nahusgahan, body spray, kasi flamable daw di pwedeng lumipad ng manila kamusta naman sa davao. insect repellant lotion na ala pang bawas kasi ayaw ng lamok sakin kasi dirty daw blood ko at foaming facial wash na konti pa lang din ang bawas kasi tinatamad ako maghugas ng mukha, hello basurahan ang sintensya kamusta japan? at eto. ang di ko naman maintindihan kung bakit kelangan ko pa bumaba at kelangan ko pa mag antay ng twenty taenang minutes para isabay sa check in kong lechon ang sunspray na mga lilimang spray na lang naman ang laman. ako na nga ang nagsuggest an itapon na lang pero ayaw at siguro nanghihinayang lang sila sa mga dumikit na buhangin dun sa tube na galing pang la union nung huling surfing trip ko. di ko akalain maiisip nila ang sentimental value ng ganyan. capable ang mga ungas. bilib naman ako sa kanila kung mag-isip. hindi. hindi ako nagrereklamo.