sabi ni amanda kung pupunta ako pwede akong mag MRT babang quezon av sakay ng trike malapit sa mcdo sabay sabihin ko raw sa janero bago mag elj bldg. malapit sa abs-cbn.
nagsasalamin na pala akongayon sabi kasi dun sa annual physical exam at nabubulag na raw ako sabi ko sige malaman ko na lang pwede naman pala tumanggi.
pero okay lang nung isang gabi inutusan ako ni amity bumili ng yelo sa 7-eleven first time ko makita ang mundo na sobrang liwanag sa gabi pala yung mga ilaw sobrang liwanag yon tubig sa kalsada pati yun kalsada mismo pagkatapos maulanan nagsasparkle nakaktuwa parang pasko.
naisip ko tae parang totoo a akala ko talaga totoo panalo yung takas trabaho gimik ni aida nakapag private room pa na me aircon pati tv at yung bedsheet pati malinis di gaya nung akin na apat na buwan na di nalalabhan kulay putik na.
ako nung gumimik ako pumasok pa rin loser try ko kaya mahimatay sa kalagitnaanng training tas kunyari nung sinugod nila ako aksidenteng naihagis nila ako mula 36th floor hmmm mukhang solid!
sabi dun sa text ni ryan wen evrythng goes wrong wen sadness fills ur hart just rmembr these four thngs: 1. ice 2. baso 3. red horse 4. 09177645312 # ko txt mko inuman tayo! =) wen malamang ilokano.
balak sana namin magswimming ni ally kanina gagamitin sana namin yun membership ng uncle nya s celebrity plaza narealize ko ala pala akong trunks at bawal mag board shorts di rin kami natuloy magdamag akong naglinis ng inidoro sumama pati pakiramdam ko ang lakas pati ng ulan. magkocoffee na lang sana kaso nakatulog ako.
nilakad namin ni jobert ang makati med para hatiran ng pagkain si aida galing dun sa mooncake festival fun act nina amity at anne nakwento nya yun isa sa seven habits of a rabbit yun tungkol sa paradigm shift sabi ko i agree kaya nga a ko tanga e medyo napansin ko hindi nya nahuli yon kaya tanong na lang ako ng tanong baka sakali me bago.
lately napapansin ko totoo pala yung sinasabi mas malakas ang hatak ng memory recall ng pagn amoy dati kasi nahahatak ako ng music ilang beses ko na rin napapansin sa pag lalakad ko ang panghi ang amoy ng basurahan ng imburnal ng barbeque ang amoy ng usok ang amoy ng upos ng sigarilyoamoy ng fabric conditioner amoy ng labada sa sampayan amoy ng kalawan amoy ng patay na hayop amoy ng detergent bar amoy ng me nag-iihaw pampolutan iba na rin ang ihip ng hangin lumalamig na iba pag nabasa ka ng ambon pabilisan na lang siguro.